Salamin

Tamang nalasahan ang ugali kinalaban
Parang batang naagawan at sumali sa lansangan
Upang makipagbakbakan at si Rave ang pangalan
Miserable pero sinibukan makipagsabayan, uh
Nilamon na ng katamaran (Katamaran)
Kahit kumpleto na ang kasangkapan (Kasangkapan)
Panahon to para lang na malaman (Laman)
Na aabutin ko na yan ng dahan (Dahan)
Ako ang iyong lingkod lahat hahabulin ko
Sasalubungin ko para kunin yung ginto
Kahit na maduling oh lahat kakayurin ko
Walang hinto hinto, kahit magmukhang sinto sinto dun sa pinto ay di mo na rin kaya na lunurin to
Di to sorry ito'y promissory na kahit konti suporta'y tuloy sa pagkazombie
Tapos na sa laundry peke ka naoff-beat aking tira for three ang spit ko'y tirang promdi
Ayoko na sana maglirikal baka mabansagan na ko na kriminal
Kapag inabot mo saken ay kritikal sa daming halaman ko na diniligan
Kaso sawa na rin ako sa gimikan oras na para magaral sa diliman
Pabalik balik sa ulam na binilan gusto ko naman kumain ng sinigang
Ano bang dapat gawin dahil makalat na men
Dami kong tatanggalen para malakad na den ang aking tanim
Dami kong sasampalen para mahanap na ren ang aking galeng
Nakasa den ang aking talim para deretso sintido ang tutok ng aking baril
Aking iiwanan ay tatatak, tagos to sa puso parang heart attack
Maglinis ka kung magkakalat dahil sayo lang din yan papatak
Bodybag ang mensahe at listahan ko'y madadami dami pa't
Derecho sa puso sapak to sa nguso pangbago ng mentalidad
Daming kong pangarap na nadagdagan ng talo
Dami nang nagrarap pero mas lalong naging ganado
Na sumubok at pumulot at makisabay sa alon
Balang araw kapag nabalian ay magkakasahod
Pumasok na sa isip ko na wag nalang bumangon
At nakaramdam ng pagod kaya ako'y nagpalamon
Pero sabe ng kahapon ay malayo pa ang dragon
Ngayon tapos na angking komatos para bang si baron
Bawat nilakaran mo lahat tinapakan ko kahit na pangalan mo
Bakit ba ang malas mo, yun ay kasalanan mo
Puro lang ganto puro lang ganyan buhat ng bangko puro lang satsat
Panay ang dakdak kala mo santo pero walang ambag dapat dyan ratrat, brah
Asa asa wala kang pagasa
Basa basa baka makachamba
Nasa baraha mo'y hari ika'y malakas na?
Tandaan marami pa ulit magbabalasa
Di na papatagalin, di mo to kayang gawin, talo ka men
Laging magingat sa byahe kase yung tao pala na gusto mo sapakin
Di mo kilala't masyadong sakim bahala ka din
Dahil ang kalaban ko pala dito sa kanta ay yung taong kaharap ko dito sa salamin



Credits
Writer(s): Edward Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link