Sa Pumipili

Nais kong malaman mo, ang pag-ibig ko sa 'yo
Tunay at hindi lamang pakulo
'Di kita ipapako sa mga pangako
'Di rin kita bibilhin na parang boto

'Di ko man mabigay ang mundo
Walang hanggang pagmamahal ang mapapasa'yo
Kung ako ang pipiliin mo

Wala akong gimik na dance number at kanta
O gamitin ang pera ng iba
Wala akong ibibigay na limpak-limpak na premyo
'Di rin kita mailalabas tuwing Linggo

'Di ko man mabigay ang mundo
Walang hanggang pagmamahal ang mapapasa'yo
Kung ako ang pipiliin mo

Walang hihigit sa 'yo
Ikaw ang magiging buhay ko
Ikaw ang aking dahilan
Ikaw ang aking magpakailanman

'Di kita iiwan, at 'di mo kailangang
Mabagabag sa ating patutunguhan
Sa puso kong inaalay, ika'y may libreng sakay
Ang tanging pasahero habang-buhay

'Di ko man mabigay ang mundo
Iaalay ko ang sarili para sa 'yo
Kung ako ang pipiliin
Kung ako ang pipiliin
Kung ako ang pipiliin mo

Ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh
Ah-ah-ah
Ah-ah-ah
Kung ako ang pipiliin mo



Credits
Writer(s): Dino Concepcion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link