Saglit Na Lang

Yakap, hanap sa tuwing paggising ko
'Singtamis ng huni ng ibon ang haplos ng tinig mo
Kasama kita sa lahat ng panahon
Kahit na malayo ka ngayon, asahan mong ako'y paroroon
Kumapit ka

'Wag ka nang mangangamba, sinta, ako ay darating
Giliw, saglit na lang, saglit na lang
'Pag nariyan na'y kakantahan ng himig nating kay lambing
Giliw, saglit na lang, saglit na lang
Aawitan ka ng la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la

Ikaw lang ang tanging kumalinga ng gan'to
'Di ko kaya ni saglit man lang na sa 'yo'y mapalayo
Yakap, hanap-hanap sa tuwina
Kung kaya't hindi alintana ang hadlang na naglilipana
Kumapit ka

'Wag ka nang mangangamba, sinta, ako ay darating
Giliw, saglit na lang, saglit na lang
'Pag nariyan na'y kakantahan ng himig nating kay lambing
Giliw, saglit na lang, saglit na lang

Aawitan ka ng la-la-la-la-la-lulay mong
Lagi kong dala-dalang tunay sa aking alaala-la-la-la
Nababahalang lilisan ka na
La-la-la, la-la-laban pa
Liban lang kung 'di na kayang kumapit pa

'Wag ka nang mangangamba, sinta, tulog na nang mahimbing
Giliw, ipikit mo lang, ipikit mo lang
Narito ako't kumakanta ng himig nating kay lambing
Giliw, makinig ka lang, makinig ka lang
Aawitin ko ang la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link