Paa Tuhod Balikat Ulo

Minsan ang buhay
Samu't-sari ang kulay
Ngunit minsan lumalamlam
Pag dumidilim ang daan

Hindi mo mabuksan
Pinto sa kinabukasan
Bulong ng alinlangan ay
Baka wala kang dadatnan

Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa tuhod balikat at ulo
Ilalaan sa'yo

Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sayo sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan
Na sa ulo palagi ka nitong laman

Ang kinakatakutang
Multo ng nakaraan ay
Walang kapangyarihan
Laban sa pagibig na satin ay gumagabay

Kaya't humakbang nang muli
Kahit na paunti-unti
Ika'y aalalayan
Ilaw sa'yong lalakaran

Lumingon ka lang sa kawalan
At ako'y 'yong masusumpungan
Mula paa tuhod balikat at ulo
Ilalaan sa'yo

Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sayo sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan
Na sa ulo palagi ka nitong laman

Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan
Sasabayan, sasamahan
Hanggang ang puso'y mabuksan

Oh Paa, tatakbuhin kita
Tuhod, para sayo sa langit luluhod
Ang balikat ko'y narito kung kailangan ay sandalan mo tandaan
Na sa ulo palagi ka nitong laman

Ohhh

Dito sa puso ko, palaging may puwang



Credits
Writer(s): Rinz Ruiz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link