Hayayay!

Nagtitipid ng aking pambili
Binabawasan ang ulam, kanin ay one-half lang
At busog sa tubig
Nagtiyatiyagang maglakad na lang
Kahit mainit sa labas, mahal naman ang gas
Nababanas ako, whoa

Ha-ya-yay, taghirap na naman, ako'y nagtitiis na lang
'Pagkat ang bulsa'y walang laman
At para bang ang bawat piso na maiipon ko
Ha-ha-ya-yay, tumatakbo, lumalayo

Nagbibilang ng kahit barya lang
Ganyan ang buhay ng isang karaniwang tao lang
Na gustong umangat
Tinitipid (tinitipid) ang sarili (ang sarili)
Para lang makabili ng bago kong damit, sapatos, at iPad

Ha-ya-yay, taghirap na naman, ako'y nagtitiis na lang
'Pagkat ang bulsa'y walang laman
At para bang ang bawat piso na maiipon ko
Ah-ha-ya-yay, ya-ya, ya-ya

Ha-ya-yay, taghirap na naman, ako'y nagtitiis na lang
'Pagkat ang bulsa'y walang laman
At para bang ang bawat piso na maiipon ko
Ha-ha-ya-yay, tumatakbo, lumalayo

Tumatakbo, lumalayo
Pera ko
Tumatakbo, lumalayo, oh

Ha-ya-yay, naku
Ha-ya-yay



Credits
Writer(s): Jeriko Buenafe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link