Masyado Pang Maaga

Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi nang deretsahan?
'Di pagkakaunawaan
Puwede sanang pag-usapan

Tahan, puwede pa bang malaman
Laman ng iyong isipan
Para walang maling akala?

Parang kay bilis ng iyong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Puwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga

Ano ba ang 'yong hinahanap?
Nasa 'kin ba ang kasagutan?
Pa'no natin malalaman
Kung laging nagsisisihan?

Tahan, puwede ko bang malaman
Laman ng iyong isipan
Para walang maling akala?

Parang kay bilis ng iyong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Puwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna

Masyado pang maaga
Para mawala ka

Masyado ba akong naniwala sa iyong pinangako
Na minahal kita higit pa sa sarili ko?

Diyos ko; ba't 'di kita malimot?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Puwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna

Sabing "Sandali," ba't nagmadali?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Puwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna

Masyado pang maaga
Para mawala ka
Masyado pang maaga
Para mawala ka



Credits
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link