Koloring Book (feat. Ice Seguerra)

Pula and dumadaloy sa lalim ng sugat
Matingkad and bungad sa ilaw na kahel
Dilaw ang araw sa watawat
Luntian sa talahib na taksil

Bughaw ang bahag nang hari sa kalawakan
Himig ng pag-ibig sa indigong tula
Luhaan sa lilang ulan
Sa abo din naman ang katapusan, aah

Iba't ibang bandila, iba't iba ang kulay
Ninanais lamang lumipad
Na walang kaba, at hindi takot
Walang humuhusga sa kaluluwang hubad
Nais lamang mabuhay, walang lamang na tunay

'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay

Itim lang ang kilos ng lahat ng anino
Pagtanggal ng balat puti rin ang buto
'Di mabibili ng anumang pilak
Ang alab ng pusong ginintuan, aah

Iba't ibang bandila, iba't iba ang kulay
Ninanais lamang lumipad
Na walang kaba, at hindi takot
Walang humuhusga sa kaluluwang hubad
Nais lamang mabuhay, walang lamang na tunay

'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay

'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay
'Pag pinagpantay-pantay



Credits
Writer(s): Raymund Marasigan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link