Prom

Sa madilim na sulok dun ka lang nagmumukmok
Kamay ay nakadukot sa bulsa ng 'yong suot
Panyo mo ay hinugot, basa na at lukot-lukot
Puno ng luha mo

Kahapon lang nakita nakangiti at masaya
Mas maliwanag pa sa araw sinag ng mga mata
Ngunit pagsapit ng gabi walang tigil ang pagpatak
Ng mga luha mo

Sa iyong paghihintay
Lumamig mga kamay
Nagmistulan ng bangkay
Na nilimot na, 'di na maalala

Siya ang dapat na kasama mo
Ang magdadala sa 'yo diyo
Siya naman kasi'ng pinili mo
Bakit siya hindi na lang ako
Ba't ngayon 'di mo siya matanaw
Kung kailan dapat ka nang masayaw
Nangakong yayakapin ka pa raw
Bakit ngayon 'di man lang lumitaw

Sabi mo pa sa'kin, 'di ka iiyak
Luha mo'y 'di na papatak
Pwede bang ulitin, 'di na iiyak
Luha ko'y 'di na papatak



Credits
Writer(s): Sean Angelo Ilagan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link