Tristitia

Nung mawala ka
Ako'y hindi makatulog
Lubos na nagluluksa
Para bang ako'y nahuhulog

Paano pa ba ako uusad, sinta?
Paano pa ba ako makakalipad?

Kakapit lang sa patalim kahit nagkakasugat na
Di bale nang mawala sa dilim alam kong may liwanag pa
Baon pa rin sa puso ko ang kahalagahan ng hirap na to
Kakapit lang sa patalim, nakalaan to para sa'yo, sinta
(Tahan na)

Ang damdamin na hindi ko maintindihan
Unti-unting naglaho ang bakas ng aking kapalaran

Paano pa ba ako uusad, sinta?
Paano pa ba ako makakalipad?

Kakapit lang sa patalim kahit nagkakasugat na
(Nagkakasugat na)
Di bale nang mawala sa dilim alam kong may liwanag pa
(May liwanag pa)
Baon pa rin sa puso ko ang kahalagahan ng hirap na to
Kakapit lang sa patalim (sa patalim) nakalaan to para sa'yo sinta

Nakalaan to para sa'yo sinta
(Tahan na)



Credits
Writer(s): Julius Mani
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link