Yakap

Sa dinami-rami ng mga araw na
Hinihintay na makasama ka
'Di maikubli ang sabik sa aking mata

At hawak ko'ng pangarap ko
Tuwing ika'y kapiling ko
Ngayong Pasko, ika'y yayakapin ko

Sa piling mo lamang aking naramdaman
Pag-ibig na walang-hanggan
Isang daang pagkakataon ang susulitin ko
Sa yakap mo ngayong Pasko

Malamig daw ang simoy ng hangin
At lalo pang nasabik nang naamoy ko na ang 'yong pagbalik
Maglalaho ang mga nasabi ngunit 'di ang napadama

Hinding-hindi magbabago
Na ikaw ang tanging regalo
Pasko, Pasko, hanap ang yakap mo

Sa piling mo lamang aking naramdaman
Pag-ibig na walang-hanggan
Isang daang pagkakataon ang susulitin ko
Sa yakap mo ngayong Pasko

Pasko, Pasko, Pasko na naman muli
Pasko, Pasko, kayakap ka na ulit
Pasko, Pasko, Pasko na naman muli
Pasko, Pasko, kayakap ka na ulit

Sa piling mo lamang aking naramdaman
Pag-ibig na walang-hanggan (Pasko, Pasko, Pasko na naman muli)
Isang daang pagkakataon ang susulitin ko
Sa yakap mo ngayong Pasko

Ikaw lang ang kailangan ko
Payakap naman ngayong Pasko
Pasko, Pasko, kayakap ka na muli



Credits
Writer(s): Moira Rachelle B. Torre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link