Ikaw Pala (Theme from "The Gift")

Buong buhay hinahanap kung sa'n sasaya
Kaya't hindi alam ang gagawin no'ng dumating ka
Lumiwanag ang madilim
Ulap ay nagbigay-daan sa mga bituin

Ikaw pala, ah-ah
Ang saya sa likod ng lahat ng gabing iniiyak
Dumating kung kailan 'di ko inisip kung magmamahal pa ba
Pinawi lahat ng luha, pinalitan ng ligaya
Ikaw ang biyaya

Nagbago buong daigdig nang ikaw ay dumating
'Di inakala na ganitong saya ang aking daranasin
Sa piling mo lamang pala ako mahihimbing
Ikaw na tanging hiling

Ikaw pala, ah-ah (ikaw pala)
Ang saya sa likod ng lahat ng gabing iniiyak
Dumating kung kailan 'di ko inisip kung magmamahal pa ba (magmamahal pa ba)
Pinawi lahat ng luha (pinawi ang ligaya), pinalitan ng ligaya (ligaya)
Ikaw ang biyaya



Credits
Writer(s): Rina May L. Mercado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link