Kalayaan

Ang tanging kakalma sa ating tampuhan
Ay ang iyong kamay na lagi kong gustong hawakan
Halika na marami pang gustong sabihin
Ayoko na sanang away pa ang isipin

Araw-araw litong-lito
Ginugulpi ang puso ko
Sampung sampal tatlong sipa
Nasa impyerno na

Hinding-hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kay bait pero may sungay na 'di makita
Ang tanging pagsusumamo ko
O diyos ko sagutin ako
Ang tanong ko ay simple lang
Ganito ba ang nagmamahalan?

Meron akong bagay na 'di maunawaan
Ang iyong pag-ibig ba ay meron ng hangganan?
Ang bago mong sagot sa bawat tampuhan
Ay ang iyong kamao na aking kinatatakutan

May dugo ang pisngi at labi
May insulto ka sa akin lagi
Ilang hampas pa ang dapat makuha bago masabing umalis ay tama?

Hinding-hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kay bait pero may sungay na 'di makita
Ang tanging pagsusumamo ko
O diyos ko sagutin ako
Ang tanong ko ay simple lang
Hanggang kailan siya pagbibigyan?

Hinding-hindi ko inakala na ikaw pala ay mag-iiba
Akala ko'y anghel na kay bait pero may sungay na 'di makita
Ang tanging pagsusumamo ko
Diyos ko siya'y kausapin mo
Kung ako'y sasaktan niya lang
Ibigay mo na ang aking kalayaan



Credits
Writer(s): Rosauro Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link