Hahayaan Ko Na Lang

Sinabi sa sarili
Hindi pa 'ko handa
Magmula ng magmahal
Lagi na lang nasasaktan
Sinabi sa sarili
Di na muling iibig pa
Hindi na baleng mag-isa
Kahit wala akong kasama

Ngunit nang makilala ka
Huminto aking mundo
Sa isang sulyap pa lang
Tinamaan aking puso

Hahayaan ko na lang
Mapalapit sa'yo
Ano man ang iwas ko
Pilit bumabalik sa'yo
Hahayaan ko na lang
Ang puso'y susundin
Kaya bahala na
Kung muli akong umibig

Sinabi sa sarili
Di na ako maghihintay
Kung sakaling darating
Panalangin ko'y dinggin
Laking pasasalamat ko
At kung adya ng Maykapal
Na ibigay ka sa akin
At ika'y makakapiling

Dahil nang makilala ka
Huminto aking mundo
Sa isang sulyap pa lang
Tinamaan aking puso

Hahayaan ko na lang
Mapalapit sa'yo
Ano man ang iwas ko
Pilit bumabalik sa'yo
Hahayaan ko na lang
Ang puso'y susundin
Kaya bahala na
Kung muli akong umibig

Hahayaan ko na lang
Mapalapit sa'yo
Ano man ang iwas ko
Bumabalik sa'yo
Hahayaan ko na lang
Ang puso'y susundin
Bahala na
Kung muli akong umibig
Hahayaan ko na lang
Mapalapit sa'yo
Ano man ang iwas ko
Bumabalik sa'yo
Hahayaan ko na lang
Ang puso'y susundin
Kaya bahala na
Kung muli akong umibig
Hahayaan ko na lang, oohh

Hahayaan ko na lang



Credits
Writer(s): Diane Masaganda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link