Sabado

Petiks na naman ako ngayong araw
Walang pasok, walang gala, walang dalaw
Wala ring dapat na gawin, walang dapat intindihin
Kung 'di papa'no ko lalasapin, ang maghapon

Hihiga, tatanaw sa alapaap
Mamasdang humalik ang araw sa ulap
Papalayain ang isip sa mabigat nitong dibdib
At hahayaan ang sariling lasapin, ang maghapon

Sabado ngayon

Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna sa kanila
Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna mula sa kanila

Gagawin ko ang lahat ng aking naisin
Ng mga bagay na hindi kayang bilhin
Magpapatangay lang sa hangin, magpapaagos sa tubig
Hahayaan ang sariling yakapin, Ng maghapon

Sabado ngayon

Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna sa kanila
Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna mula sa kanila

Sabado ngayon
Sabado ngayon

Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna sa kanila
Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna mula sa kanila

Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna sa kanila
Limutin natin ang lahat
Magpahinga muna mula sa kanila



Credits
Writer(s): John Emil Roxas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link