Ikaw Pa Lang

Sa bawat sandaling ika'y kapiling
Parang walang bukas na darating
Walang kasingdiin ang mga yakap mo
Ako'y iyong iyo

Bakit ba kay dali mong ibigin?
Parang dinuduyan sa tuwing naririnig ang 'yong tinig
Nagkasundo na rin ang ating landas
Ako'y sa 'yong sa 'yo

Dahil ikaw pa lang ang inibig
Nang ganito, aking aaminin
Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin
Wala nang iba

Walang pakialam sa ating paligid
Ikaw lang at ako, lahat ay tatahakin
Mga pangarap kong ikaw ang bumubuo
Alay ko sa iyo

Dahil ikaw pa lang ang inibig
Nang ganito, aking aaminin
Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin
Wala nang iba

At kahit pa, ano pa'ng dumating
Ang pagsubok ay kakayanin
At nakahandang ipaglaban ang pag-ibig ko
Sa iyo

Dahil ikaw pa lang ang inibig
Nang ganito, aking aaminin
Ikaw lang ang tanging laman ng damdamin
Wala nang iba

At ito na ba ang pag-ibig
Na pangarap ko, wala nang dadaig?
Higit sa dalangin ang sagot ng langit
Ikaw ang lahat

Dahil ikaw pa lang
Dahil ikaw pa lang
Dahil ikaw pa lang
Wala nang iba

Sa bawat sandaling ika'y kapiling
Parang walang bukas na darating



Credits
Writer(s): Mark Carpio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link