Wake and Bake

Alas-nuwebe ng umaga, oras na para bumangon
Wake and bake ka muna para iwas ka sa hamon
Ng buhay na matapang at sistemang nanlalamon
Maalat man ang dagat pero sasabay sa alon

Sugat man ang kahapon hihilumin ng panahon
Lubog ka man nang todo pero ikaw ay aahon
Sikaping umangat, maging mahusay at matuto
Ikaw ang kampeon 'yan ang ilagay sa ulo, yeah

Dahil hindi ka pwedeng huminto na lang
Problema sa buhay, dapat ibuga na lang (hoo, hoo, hoo)

Ganda ng umaga (hoo, kasi ikaw agad nakita)
Ganda ng umaga (hoo, kapag ikaw ang kasama)

Paspaspas para okay ka maghapon
Palayain ang sarili lumabas ka diyan sa kahon
Kalimutan ang kahapon, harapin ang bagong hamon
'Wag kang matatakot pumasok nang walang baon, yeah

'Wag mag-alala, alisin mo iyong takot
Tuloy pa rin sa laban, negative man iyong tarot
'Wag magpadala lalo na't walang patunay
Sulitin mo ang buhay bago mawalan ng kulay, yeah

Dahil hindi ka pwedeng huminto na lang
Problema sa buhay, dapat ibuga na lang (hoo, hoo, hoo)

Ganda ng umaga (hoo, kasi ikaw agad nakita)
Ganda ng umaga (hoo, kapag ikaw ang kasama)
Ganda ng umaga (hoo, kasi ikaw agad nakita)
Ganda ng umaga (hoo, kapag ikaw ang kasama)
Hoo, hoo, hoo, yeah

Ganda ng umaga (hoo, kasi ikaw agad nakita)
Ganda ng umaga (hoo, kapag ikaw ang kasama)
Ganda ng umaga (hoo, kasi ikaw agad nakita)
Ganda ng umaga (hoo, kapag ikaw ang kasama)
Yeah

Credits
Writer(s): Nikolson Makino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link