Nakikiusap Na

Giniginaw na sa pag-iisa
Tinitignan mga selfie nating dalawa na masaya
'Di mapigilan ang pagluha
Sa tuwing laging naaalala ka, aking sinta

Naninikip ang dibdib
Nakatulala at nag-iisip
Kung bakit ba biglang nagbago ka?
Ang yakap mo na kay higpit
Ang 'yong halik na walang patid
Pilit na hinahanap ko pa
Nakikiusap na

Bumabalik pa mga alaala
Naghihintay pa rin sa dating tagpuan nating dalawa
Umaasa pa na babalik ka
Kahit masakit mang tanggapin na talagang ayaw mo na

Naninikip ang dibdib
Nakatulala at nag-iisip
Kung bakit ba biglang nagbago ka?
Ang yakap mo na kay higpit
Ang 'yong halik na walang patid
Pilit na hinahanap ko pa
Nakikiusap na

Paanong gagawin
'Di ko kayang limutin
Ang mga pangako mo sa akin
Paanong gagawin
Iyong sabihin
Na magbabalik ka pa sa akin

Naninikip ang dibdib
Nakatulala at nag-iisip
Kung bakit ba biglang nagbago ka?
Ang yakap mo na kay higpit
Ang 'yong halik na walang patid
Pilit na hinahanap ko pa
Nakikiusap na



Credits
Writer(s): Byron Ricamara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link