Meron Ba

Natagpuan kita sa pagitan ng laban ay paalam
Mga panahong alam kong ika'y hiram
Nasanay sayong mga salitang nakakasilaw
Ikaw ba nama'y kausapin sa araw-araw

Pagod ng maghintay sayo at mangapa
Dahil kung minsa'y meron, madalas nama'y wala
Di naman yata tama 'tong ginagawa
Hihintaying sa sakit, ako ay magsawa

Ginagawang lahat sa abot ng makakaya
Pero bakit parang ako lang yatang tumataya

Pagod ng maghintay sayo at mangapa
Dahil kung minsa'y meron, madalas nama'y wala
Di naman yata tama 'tong ginagawa
Di hahayaang sa sakit ako'y magsawa

Tama na
Tapos na
Tama na
Ingat ka

Ayoko nang manghiram



Credits
Writer(s): Olena Gil Magbitang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link