Cancer

Mother, Mother, I am sick
Call me a Doctor very quick
Doctor, Doctor, shall I die?
Tell my mommy, please don't cry

Mayaman lang ang nagkaka-cancer
Mayaman lang ang nagkaka-skin disease
Mayaman lang ang nagkaka-dengue fever
Kapag mahirap, lahat ng 'to'y tinitiis

Sa bansang itong pinagkaitan
Ang hospital, ginawang tindahan
Dito sa tuwid na daan
Ang ambulansiya mo'y deretso na sa libingan

Mayaman lang ang nagkakasakit
'Pagkat sila lang ang mayro'ng perang pampa-check
Mayaman lang ang may family doctor
Kapag mahirap, deretsong embalsamador

Sa bansang itong pinagkaitan
Ang hospital, ginawang tindahan
Dito sa tuwid na daan
Ang ambulansiya mo'y deretso na sa libingan

Mayaman lang nakikinabang
Karapatan sa kalusugan

Sa bansang itong pinagkaitan
Ang hospital, ginawang tindahan
Dito sa tuwid na daan
Ang ambulansiya mo'y deretso na sa libingan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link