Panandalian

Kailan
Kailan ba natin 'to sisimulan
Hindi mo na kailangan magpaalam
Handa ng palayain aking nararamdaman

Ako'y
Nabihag na ng mga titig mo
Na tila ba sa aki'y nangangako
Na hinding-hindi ako magsisisi sa'yo

Wag na nating ipagkaila
Na kailangan natin ang isa't-isa

Kaya't lumapit na wag mag-alala
Hindi ka pipilitin kung di ka para sa'kin
Basta't ang mahalaga ay kayakap ka
Magpapalunod sa ligaya
Kahit na panandalian lang
Kahit na panandalian lang
Kahit kahit kahit

Sabik
Sabik sa mga yakap at halik
Kaya't ipaalala mo sa akin
Ng di na magambala sa ikli ng sandali

Tikman
Tikman ang aking nararamdaman
Mainit na anghang ng kalayaan
Na nagpalimot sa lamig ng ating nakaraan

Wag na nating ipagkaila
Na kailangan natin ang isa't-isa

Kaya't lumapit na wag mag-alala
Hindi ka pipilitin kung di ka para sa'kin
Basta't ang mahalaga ay kayakap ka
Magpapalunod sa ligaya
Kahit na panandalian lang
Kahit na panandalian lang
Kahit kahit kahit

Wag na nating ipagkaila
Na kailangan natin ang isa't-isa

Kaya't lumapit na wag mag-alala
Kahit anong sabihin ikaw ay para sa'kin
Basta't ang mahalaga ahhhh ahhhh ay ikaw
(Kahit na panandalian lang)
Ikaw oh ikaw
(Kahit na panandalian lang)
Kahit na
(Kahit na panandalian lang)
Ohhh ohhh
(Kahit na panandalian lang)
Ikaw ang kailangan
(Kahit kahit kahit)
(Kahit na panandalian lang)
Ikaw oh ikaw
(Kahit na panandalian lang)
Kahit na
(Kahit na panandalian lang)
Ohhh ohhh
(Kahit na panandalian lang)
Ikaw ang kailangan
(Kahit kahit kahit)



Credits
Writer(s): Tiara Shaye Cinco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link