Habang Wala Kang Masabi

Habang wala kang masabi
Hayaan mong unahan ko na lang
Na parang wala lang nangyari
At para bang wala na lang alam

At para bang walang naramdaman

'Di ko naman ipipilit
Alam kong 'di papayag ang mundo
At habang wala kang masabi
Hindi na lang ako magtatanong

Ngayon, kung
Kung saka-sakali na iba ang panahon
Sabay ba tayong tutugon?
At, at kung biglang lumutang ang isang pagkakataon
Sabay ba tayong lulusong?

Habang wala kang masabi
Nalaman ko na rin ang totoo
Na kahit hindi mo aminin
Nagtatanong din ang damdamin mo
Sa 'yo, whoa-oh-oh-whoa

Kung saka-sakali na iba ang panahon
Sabay ba tayong tutugon?
At, at kung biglang lumutang ang isang pagkakataon
Sabay ba tayong lulusong?
Lulusong

At habang 'di ka pa makapagsalita ngayon (makapagsalita)
Ay makikita ko sa 'yong mga mata (sa 'yong mga mata)
Na kung sakali ngang may lumutang bigla na isang pagkakataon
Ikaw ang unang lulusong

Kaya, hindi mo na kailangan
Hindi mo na kailangang magsalita
Alam ko na, at 'di mo na kailangan
'Di mo na kailangang magsalita

Habang wala kang masabi
Hayaan mong limutin ko na lang



Credits
Writer(s): Jeriko Buenafe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link