Sue Song

Naglalakad sa may lansangan
Naghahanap ng kailangan
Nu'ng natanaw kita, natunaw ang iba
Natulala sa kagandahan

Umilaw ka sa kadiliman
Kung bibigyan ng kahilingan
Sana'y mayakap ka at makilala ka
'Di bibitaw kahit saglit

Kung maaari lang, huwag mo akong intindihin
Kung maaari lang, kahit huwag mo 'kong pansinin
At kung maaari, kahit kunwari, ako ang may-ari ng iyong lambing
Kung maaari lang, hayaan mo 'kong tumingin

Pu-puwede bang ika'y lapitan?
Mundo'y saglit nating maiwan
Hoy, sa'n ka pupunta? Mayro'n ka bang iba?
Bakit gan'to? Sobrang sakit

Kung maaari lang, huwag mo akong intindihin
Kung maaari lang, kahit huwag mo 'kong pansinin
At kung maaari, kahit kunwari, ako ang may-ari ng iyong lambing
Kung maaari lang, hayaan mo 'ko

Susunggaban ko ang labi mong pula
Susungkitin ko rin ang puso mo pagkat mahal kita

Kung maaari lang, huwag mo akong intindihin
Kung maaari lang, kahit huwag mo 'kong pansinin
At kung maaari, kahit kunwari, ako ang may-ari ng iyong lambing
Kung maaari lang
Kung maaari lang
Kung maaari lang, hayaan mo 'kong tumingin



Credits
Writer(s): Omar Punzalan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link