Kapangyarihang Inilaan

Isa lang ang buhay mo, kaibigan
Kumusta na ang daang iyong nilalakaran?
Nakalimutan mo na ba'ng pangako mong binitawan?
Nakalimutan mo na ba'ng sumunod sa Diyos na may lalang?

Ano ba'ng dahilan at ika'y nasiyahan
Sa kasalanang hindi mo mapagtagumpayan?
Iniisip mo bang ang Diyos ang nagkulang?
Iniisip mo bang ang Diyos ang s'yang dahilan?

Bakit kailangan pang mamuhay
Sa kasalanang hinugasan?
Bakit kailangan pang magdusa
Kung kaya mo pang labanan?
Kapangyarihan Niyang inilaan
Hawak mo kaibigan, at nasa 'yo
Gamitin mo, ilaban mo

Ano ba'ng halaga ng yaman at karangyaan?
Ano ba'ng halaga ng layaw at kasalanan
Kung ang buhay mo sa Diyos ay 'di mo maiingatan?
Nagdulot lang ito sa 'yo ng kapahamakan

Hindi pa ba sapat ang hirap Niya at pagod?
Hindi pa ba sapat ang buhay Niyang inihandog?
Hapdi at kirot ng sugat Niya't mga dugo
Kailangan pa ba'ng pilitin tayong sumunod?

Bakit kailangan pang mamuhay
Sa kasalanang hinugasan?
Bakit kailangan pang magdusa
Kung kaya mo pang labanan?
Kapangyarihan Niyang inilaan
Hawak mo kaibigan, at nasa 'yo
Gamitin mo, ilaban mo



Credits
Writer(s): Eric Vera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link