Mahal Ko O Mahal Ako - From "Love Thy Woman"

Ang nais ko ay maranasan ang umibig
At masuklian din ng pag-ibig

Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon
Ay kailangan nang mamili, isa lang ang maaari
Alam mong narito ako, lagi para sa 'yo, oh
Mahal kita nang labis ngunit iba ang 'yong nais

At s'ya'y narito, alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig
Nalilito, litong-lito

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko
O s'ya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?
Nalilitong-lito
Sino'ng pipiliin ko?

Kahit 'di ako ang mahal mo, kung mananatili ako sa 'yo
Ay baka matutunan mo rin na ako'y iyong ibigin

At kung sadyang s'ya'y tapat, baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin s'ya

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko
O s'ya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, ano'ng paiiralin ko (ano'ng paiiralin ko), isip ba o ang puso ko?
Nalilito, litong-litong-lito
Sino'ng pipiliin ko?

(Ang nais ko ay maranasan ang umibig) ang nais ko
(At masuklian din ng pag-ibig) masuklian

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko
O s'ya ba?

Oh, (ano'ng paiiralin ko?) Ano'ng paiiralin ko?
(Isip ba o ang puso ko?)
(Nalilito, litong-litong-lito) nalilito, nalilito

Sino'ng pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako?
Whoa



Credits
Writer(s): Edwin Marollano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link