Normalan

Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon
Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon

'Wag na muna natin isipin
Hirap pa 'ko 'paliwanag ang malabo
Pero lahat ay kaya kong sabihin
Sa 'yo kasi nga wala akong tinatago
'Di ka hahayaan na mabitin pa
Kapag tayo na lang at walang tao
Kaso alam mong ayokong sumugal
Sa mga bagay na alam mong 'di ko kayang ipanalo

Pangako na 'di kita pangangakuan
'Di pa ba natatauhan?
Sa kabila ng magarbong hapunan
Hampasan ng unan ay walang kasiguraduhan
Kasama kang nasa bakuran, sagarang inuman
Alam ko na sa'n papunta pero meron bang patutunguhan

Ang lahat ng ito, sana marinig sa inyo
Para lang alam nilang komplikado man ang sarap gawin
"Oo" na lang ang nasasabi mong tono
Sa tuwing babayo ko ng todo
Heto ako 'pag hindi mo trip, solo
Malalang paalala din kung mamahalin mo 'ko

Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon
Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon

Sa ngayon, 'di ko lang alam
Sa'n ba papunta mga laro natin dalawa
Kumain ka na ba? Walang malisya
Mahalaga masaya kapag sa 'min ka na aabutan ng umaga
Parang mag-asawa kapag nasa kama
Sahig o sala, banig man na talu-talo na basta ikaw kasama

Alam mo na 'yon kung bakit eto lang tayo
Sabihin na nating ayoko pang maniwala sa iba't sarili ko na din
'Pag ganitong usapin, nadarang na 'ko dati
Mas natuto makisa-ma-halin mo pa rin
Kaya 'ko sa kabila ng kahit 'di ako kilala?
Walang camera na nakaabang kada mapapadaan sa ganap

At sabay pamasahe lamang nasa pitaka
Baliwala ka sa karamihan
Kasi nga wala 'kong salapi ng
Katulad sa mga magagaling diyan
Magawa mo pa kayang mag-alala sa 'kin
Na parang 'di mo 'ko kayang mawala
Manatili pa kayang maligaya ka sa 'kin
Kahit 'la 'kong magawa, sila may perang mataba, ha?

Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon
Dapat mong malaman
Walang personalan ang mga kaganapan
Pwede bang normalan lang lahat ng ito?
Sana ay magkatotoo pero sa ngayon



Credits
Writer(s): Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link