Itutulog Na Lang - Live

Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala

Gabi-gabi, 'di mapakali
Hinahanap-hanap ang iyong lambing
Hinahanap-hanap ka sa 'king tabi

Paano na? Sa isip, 'di mawala
Mga sandali na ikaw ay kasama
Bawat sandali ay nais kang makita

Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan

Ayoko na, nakakapagod din pala
Tatanggalin na lang mga alaala
Tatanggapin na lang na wala ka na

Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan

Pa'no na'ng pangarap nating dalawa?
Nahanap mo na'ng iyong tahanan sa piling ng iba
Pa'no na'ng mga pangako sa isa't isa?
Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa

Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa
Oh-whoa-whoa

Itutulog na lang ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala

Yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Maiintindihan naman kita
Kung sawa ka na, kung sa'n ka sasaya
'Wag kang mag-alala

Pa'no na'ng pangarap nating dalawa?
Nahanap mo na'ng iyong tahanan sa piling ng iba
Pa'no na'ng mga pangako sa isa't isa?
Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa

'Wag kang mag-alala
Oks lang ako



Credits
Writer(s): Carl Guevarra, Japs Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link