Paano Na Ang Bayan Ko

Pa'no maririnig sa nag-iisa kong bibig
Ang aking sigaw?
Mas maingay raw ang mas malaki

Tapos na nga bang talaga?
Ang digmaang humihinga pa
Dugo sa dugo, laman sa laman ang nagkakagulo

Hangga't merong nagdidikta
At walang mangunguna
Paano na ang bayan ko?
Paano na ang musika?

Sinasambit mo, inaawit ko
Mananatili lamang ba na himig ang bayan ko?
Naghihingalo, umiiyak
Lumuluhang ina, sinasaktan ng kanyang anak

Wala ka bang naririnig?
Wala bang nakikita?
Mas bulag pa sa bingi
Mas bingi pa sa bulag kung wala kang gagawin

Mas maingay ang tinig ko kung sabay-sabay lahat tayo
Paano na ang bayan ko?
Paano na ang musika?
Sinasambit mo, inaawit ko

Mananatili lamang ba na himig ang bayan ko?
Naghihingalo, umiiyak
Lumuluhang ina, sinasaktan ng kanyang anak

Ang bayan ko
Ang bayan ko



Credits
Writer(s): Kyle Anunciacion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link