Tuliro

Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling
Giliw, hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait
Mamalas ang langit

Anong nadarama
Tuwing makikita kang Dumarating
Tuliro, 'di malaman ang Gagawin at
Walang sinumang Makapipigil sa akin
At wala nang ibang Makapagbabago ng aking isip Sa 'yo
Oh
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo

Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y Mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising
Anong nadarama
Tuwing makikita kang Dumarating
Tuliro, 'di malaman ang Gagawin at
Walang sinumang Makapipigil sa akin

At wala nang ibang Makapagbabago ng aking isip Sa 'yo
Oh

Pa'nong nadarama
Gayong sa isip ko'y hindi ka Maalis
Tuliro, 'di malaman ang Gagawin at
Walang sinumang Makapipigil sa akin
At wala nang ibang Makapagbabago ng aking isip Sa 'yo
Anong nadarama
Ngayon at nandirito ka sa Aking tabi
Tuliro, 'di malaman ang Gagawin at

Walang sinumang Makapipigil sa akin
At wala nang ibang Makapagbabago ng aking isip Sa 'yo
Oh
Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling



Credits
Writer(s): Rey Dilay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link