GAHAMAN

November

Marijuana

Agahan natin ang pag-isip at tumingin sa paligid
Madami kang matututunan, at halika natin lakbayin
Patungo du'n sa mga ulap
Ako'y nasa alapaap, at madami ang natatanaw

Kaya gustong baguhin ang nilalaman ng pananaw
Hindi pa sinubukan, bakit na agad hinusgahan?
Sinindihan ko na, unti-unti ko na nadarama
Payapa na sistema, at kitang-kita na sa mata

Lumilipad na nga 'ko du'n sa kataas-taasan
Nakita ko si Pedro, dala 'yung kanyang listahan
Bawal nga daw pumasok 'yung mga banal-banalan
Nakita ko madami din hinarang na mayaman

Masyado daw gahaman, magulang kung lumaban
Busog sila, gutom iba, tapos maang-maangan
Pera ang inuna at ang buhay dinededma
Gusto kong baguhin tungo dito sa mahal kong musika (marijuana)

Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat (marijuana)

Sa sunod na kabanata nag-iba na mga bata
Madaming matalino, 'yung iba sabay sa uso
Basurang edukado, kailan ka matututo?
Hindi pa ba sapat ang nakikita mo, katoto?

Kasi hindi pa todo, kalat ang mga bobo
Simpleng basura lang, hindi mo maitapon, oo
Dumami mga tao, at ubos na mga puno
Pinapatay nila gawa din ng itim na usok

Lumilipad na nga 'ko du'n sa kataas-taasan
Nakita ko si Pedro, dala 'yung kanyang listahan
Bawal nga daw pumasok 'yung mga banal-banalan
Nakita ko madami din hinarang na mayaman

Masyado daw gahaman, magulang kung lumaban
Busog sila, gutom iba, tapos maang-maangan
Pera ang inuna, at ang buhay dinededma
Gusto kong baguhin tungo dito sa mahal kong musika (marijuana)

Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat (marijuana)

Kalat na ang basura, at umabot na sa dagat
O panibago na sakit, ito pakalat-kalat
Hindi pa nga tapos ang hayop, ay malapit nang maubos
O bakit nga hindi ito matigil kakaustos?

Ng dahil nga sa pera, tumatakbo sa ulo
Sarili iniisip, at hindi pangkalahatan
Wala silang paki kahit ikaw ay matapakan
At sabi ni tamad, ito ang kanyang kapalaran

Lumilipad na nga 'ko du'n sa kataas-taasan
Nakita ko si Pedro, dala 'yung kanyang listahan
Bawal nga daw pumasok 'yung mga banal-banalan
Nakita ko madami din hinarang na mayaman

Masyado daw gahaman, magulang kung lumaban
Busog sila, gutom iba, tapos maang-maangan
Pera ang inuna, at ang buhay dinededma
Gusto kong baguhin tungo dito sa mahal kong musika (marijuana)

Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat (marijuana)

Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat
Ang pagkakaisa, unti-unting nawawala
Ating sistema, pera ang puno o ugat



Credits
Writer(s): Jeff Grecia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link