Sining

Palagi mang nadarapa
Hindi pa rin sumusuko
Sa kahit na anong laban
Ay palaging aahon

Marami ng pinagdaanan
Gawing lakas sa kasalukuyan
Bandera natin ay iwagayway
Isigaw na tayo'y Pilipino

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipagmalaki natin
Ang sariling atin

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipakita mo
Kung ano ang kaya mo

Dahil tayo ay Pilipino!

Saan mang sulok dadako
Makikita ang talentong Pilipino
Matikas na sumasayaw
Sayang saya na kumakanta

Ang talentong Pilipino
Huwag ikahiyang ihayag
Ipakita sa buong mundo
Na kaya natin ang laban

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipagmalaki natin
Ang sariling atin

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipakita mo
Kung ano ang kaya mo

Dahil tayo ay Pilipino!

Talento ay ipamalas natin
Para tayo'y tangkilikin
Kahit anong pagsubok ang dumaan
Tayo'y babangon at tatayo

Mga sining nating malulupit
Sa mga ninuno'y buong pusong inukit
Mga kababayan hali na kayo't
Ipakita ang biyaya kahit saan mang lupalop
Huwag ikahiya sa halip ipakita
Mahirap o mayaman tayo'y magkaibigan
Nagkakasundo lalo na sa talento
Kaya ipalaganap sining natin sa mundo

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipagmalaki natin
Ang sariling atin

Sining ay ipalaganap
Sining ay ibahagi
Ipakita mo
Kung ano ang kaya mo

Dahil tayo ay Pilipino!



Credits
Writer(s): Melchizedek Paca
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link