One Two Three

Nagsimula sa ngiti sa mata
Kumaway na ako sa kaliwa
Nagtagpo ang ating mga mata
Nagtatanong kung gusto na ba kita

Isang beses pa lang akong tumingin sa 'yo
Bigla'ng tumibok ang puso

1, 2, 3, nami-miss ko na ngiti mo
4, 5, 6, umaasa pa rin sa iyo
7, 8, 9, kuntento ako na kaibigan lang ako
Sampung beses akong tumingin sa 'yo
'Di muna ako lalapit sa ngayon
Ayoko pang malaman ang tinatago ko
Saka na lang 'pag ako'y napansin mo
'Di muna ako lalapit sa ngayon

Naging magkaibigan na tayong dalawa
Du'n ko na lang nalaman na gustung-gusto kita
Ang isip ko naman ngayo'y gulung-gulo
Nung nalaman kong 'di ako yung gusto mo

Isang beses pa lang akong tumingin sa 'yo
Bigla'ng tumibok ang puso

1, 2, 3, nami-miss ko na ngiti mo
4, 5, 6, umaasa pa rin sa iyo
7, 8, 9, kuntento ako na kaibigan lang ako
Sampung beses akong umiyak noon
'Di muna ako lalapit sa ngayon
Ayoko pang maalala ang nakaraan
Saka na lang 'pag ako'y nakamove on
'Di muna ako lalapit sa ngayon

Sampung beses akong umiyak noon
'Di muna ako lalapit sa ngayon



Credits
Writer(s): Reese Marie Tutanes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link