Sampaguita

Oh, aking sinta, pasensiya ka na
Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi
Nagdaang mga Pasko, Bagong Taon at araw
Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw

At maabutan man lang ng paboritong bulaklak
'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak
Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
Mga "sana" na mahirap nang bilangin kung ilan
Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan
At sa paglubog ng araw, 'di kita matabihan

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong...

Anak, kaarawan mo na ulit
'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit
Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit
Naaalala ka ni Tatay tuwing ako'y pumipikit
Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
O lumangoy sa batis na katulad ng iba
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta

Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
Ng pasok sa eskuwela, puso ko'y nag-uumapaw
Sa tuwa dahil ganyang-ganyan ako noon
Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong
"Kailan ka uuwi?", sa 'kin ay binubulong
Sagot na "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong
Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan
Pero sugat mo sa tuhod, hindi ko mahalikan

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la, ha
Sa halimuyak ng 'yong...

Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay
Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay
Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo
Mula sa lugar na para kumita ay dinayo
Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
Tsokolate at laruan, pati sabong panlaba
Eroplano'y lumapag na, ako lamang mag-isa
Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila

Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela, malayo akong dinala
No'ng tanungin ko, "Teka muna, pare", ay bigla na lamang s'yang natawa
Nag-iba'ng aking kaba; teka, bakit may pumasok pa na dalawa?
Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim
Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin
Sa bituin kahit madilim, pero bakit sa dulo'y ako pa rin ang bibiguin?

Kahit saan man mapadpad
Sa 'yo pa rin ako babalik, babalik, giliw
Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, la-la-la-la, oh
Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)



Credits
Writer(s): Unknown, Labajo Juan Karlos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link