Kabilang Buhay

Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat

Bakit pa dumating ang oras na ito?
Nabalitaan ko na wala ka na

Hindi ba't sabi mo hindi mo ko iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo?
Hindi ba't sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam?

Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na

Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan?
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay?

Hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan? (Sa kabilang buhay)
Hindi papabayaan na ako'y mag-isa (sa kabilang buhay)
Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda? (Sa kabilang buhay)
Bakit bigla ka na lang nandiyan sa kabilang buhay? Whoa

Sa kabilang buhay



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link