Sa Aking Panaginip (From "Love Of My Life")

'Di ko na kailangan pang ulit-ulitin na
Ikaw ang laging naroon sa puso't isip ko
Sa bawat sandali, naaalala ka
At 'di magagawang limutin ang katulad mo

'Pagkat sa 'yo natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig
Ay bakit nga ba laging ikaw?

Sa aking panaginip, hindi ka nawawaglit
Kahit kailan, pagmamahal para sa 'yo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa 'yo, may sikat at makulay ang aking mundo

Kung mawawalay sa 'yo ay 'di ko nais pang
Mabuhay nang tuluyan at laging nag-iisa
Mayro'ng hinihiling ang puso't damdamin
Sa bawat sandali, sana'y laging kapiling ka

'Pagkat sa 'yo natutong magmahal
Ang puso ko na ang pintig
Ay bakit nga ba laging ikaw?

Sa aking panaginip, hindi ka nawawaglit
Kahit kailan, pagmamahal para sa 'yo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa 'yo, may sikat at makulay ang aking mundo

(Sa aking panaginip, hindi ka nawawaglit)
Kahit kailan, pagmamahal para sa 'yo'y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa 'yo, may sikat at makulay ang aking mundo

May sikat at makulay ang mundo



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link