Dito Ka Lang Sa Tabi

Wag kang ganyan, nag-aalinlangan
Padalos dalos ang pagkilos sa kung saan saan

Wag kang ganyan
Baka lang di ko makayanan

Unti-unting nahihibang sa kakaabang
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang ako
Wag nang itago ang panunuyo
San ka pupunta
Lumapit ka na, pwede ba?

Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah

Wag kang ganyan, parang timang
Kung makatingin akala mo duling
Easy ka lang
Pwede naman akong kausapin
Halika na dito para ako'y kiligin
Wag kang malayo, tambay na dito

Naghihintay lamang ako
Wag nang itago ang panunuyo
San ka pupunta
Lumapit ka na, pwede ba?
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah

Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Tama na ang arte
Hindi ito teleserye
Ang daming importante
Kasama ka't katabi
Wag kang malayo, tambay na dito
Ang oras di pa hihinto
Wag sasayangin ang sasabihin
Wag kang mahinhin
Lumapit ka na pwede ba?
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang sa'yo
Wag ng itago ang panunuyo
Wag nang mahiya
Sabihin mo na pwede ba?
Wag kang malayo, tara na dito
Naghihintay lamang sa'yo
Wag ng itago ang panunuyo
Wag nang mahiya
Sabihin mo na
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi
Sa'king tabi tabi tabi tabi tabi
Dito ka lang sa tabi
Dito ka nga ah
Dito ka lang sa tabi



Credits
Writer(s): Toto Sorioso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link