Hanggang Sa Huli - From "24/7"

Sa bawat pagpatak ng oras
Hindi hahayaang masayang ang bawat sandali
Tangi kong hangad ay lagi kang mapangiti
Alam kong panalangin ko'y naririnig

Kung minsan ay mapait ang tadhana
Pilit tayong pinaghihiwalay
Ngunit kahit anong mangyari sa 'tin
Ay sana 'wag mong kalilimutan

Kahit paulit-ulit, kahit anong pasakit, titiisin
'Wag ka lang mawawala sa piling ko
Kahit na anong unos ay kakayanin
Para sa 'yo, mahal ko, hanggang sa huli

Hindi man natin alam kung hanggang kailan tayo
Sa yakap mo, ramdam ko ang ating pag-asa
At kahit na ano pang mangyari sa 'ting dalawa
Sana lagi mong maaalala

Kahit paulit-ulit, kahit anong pasakit, titiisin
'Wag ka lang mawawala sa piling ko
Kahit na anong unos ay kakayanin
Para sa 'yo, mahal ko, hanggang sa huli

Kahit paulit-ulit, kahit anong pasakit, titiisin
'Wag ka lang mawawala sa piling ko
Kahit na anong unos ay kakayanin
Para sa 'yo, mahal ko

Kahit paulit-ulit, kahit anong pasakit, titiisin
'Wag ka lang mawawala sa piling ko
Kahit na anong unos ay kakayanin
Para sa 'yo, mahal ko, hanggang sa huli



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Trisha Denise Campaner
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link