Flower (feat. Bullet D)

Sa tagal na ng panahon nakita
Kung ano ako kapag ka nawala ka
Akala ko kasi masaya na
Ang gan'to pero bakit nangungulila?

Iba-iba na aking nilapitan
Baka sakaling 'di na mapanaginipan
Sa iba ibinaling ang kandungan
Sumaya lang ng saglit pero may kulang

Kaya pala gan'to ako
Kasi naghahanap pa rin sa 'yo
Ang yakap mo ang kailangan ko
Sana, ako ay mapatawad mo

Kung mayro'n man akong mali, itatama
'Di pa naman ito ang huli kaya sana
Sa akin ika'y bumalik, 'wag ka sanang
Mapagod at magsawa sa sakit

Kung mayro'n man akong mali
Sana lang ay puwede pa na ibalik dahil nasabik
Alam kong kasalanan ko
Lahat lang ay sinayang ko

Kung mayro'n man akong mali
Sana lang ay puwede pa na ibalik dahil nasabik
Alam kong kasalanan ko
Lahat lang ay sinayang ko

Sana pagbigyan mo pa 'ko muli
Sana 'di na lang ako nakakasakit
Sana ang lahat ng 'to ay may kapalit
Wala ng sila kung hindi ka na sa 'kin babalik

Alam kong nawalan ka na ng gana sa 'kin makisama
Mula no'ng tayo ay hindi na muna nagkasama
Naudlot ang pagmamahalan nating masagana
Napalitan ng lungkot ang nangyari't lumala na

Hindi ko na alam, ako ay naligaw
Sa dami ng daan, 'di ko makita 'yung ikaw
Imbis na magpayabong pa 'ko ng bulaklak
Ay mas lalong nalanta ang puso mo nalaglag

'Di ko lubos maisip, nawala ang dating tinig
Nadala ako sa ihip ng hangin kaya pilit
Kong binabalik ang nawala nating pag ibig
Sabik na 'ko na mapatawad mo, sana maisip

Kung mayro'n man akong mali
Sana lang ay puwede pa na ibalik dahil nasabik
Alam kong kasalanan ko (kasalanan ko)
Lahat lang ay sinayang ko (sinayang ko)

Kung mayro'n man akong mali, itatama (itatama)
'Di pa naman ito ang huli kaya sana (kaya sana)
Sa akin ika'y bumalik, 'wag ka sanang
Mapagod at magsawa sa sakit

Kung mayro'n man akong mali (kung mayro'n man)
Sana lang ay puwede pa na ibalik dahil nasabik
Alam kong kasalanan ko (kasalanan ko)
Lahat lang ay sinayang ko (ay sinayang ko)

Kung mayro'n man akong mali
Sana lang ay puwede pa na ibalik dahil nasabik
Alam kong kasalanan ko
Lahat lang ay sinayang ko



Credits
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link