Ngayon

Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nasa isip ko
Lumipas na'ng ilang taon, pero walang nagbago
Sa dinaramdam ko

Sinusubukan ko na kalimutan ka
Ngunit hindi nawawala ang nadarama
Para sa 'yo, sinta

Kaya ngayon, ako'y naghahanap
Ng paraan nang makawala

Dahil kahit iba ang aking gustong mahalin
Hindi pa rin kayang tanggalin
Nararamdaman ko
Hanggang ngayon, ikaw ang aking minamahal
Minamahal

Kahit madaming tao ang nasa paligid ko
Mga mata ay nakatitig lang sa 'yo
Sa ganda mo

Kahit ako'y nasasaktan 'pag nakikita ka
Hindi makagalaw, hindi rin makahinga
'Di pa rin nawawala

Dahil kahit iba ang aking gustong mahalin
Hindi pa rin kayang tanggalin
Nararamdaman ko
Hanggang ngayon, ikaw ang aking minamahal

Kahit alam ko na na ikaw may iba
Hindi pa rin nawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Hanggang ngayon, ikaw ang aking minamahal
Minamahal

Dahil kahit iba ang aking gustong mahalin
'Di pa rin kayang tanggalin
Nararamdaman ko
Hanggang ngayon, ikaw ang aking minamahal

Kahit alam ko na na ikaw may iba
Hindi pa rin nawawala
Ang pag-ibig ko sa 'yo
Hanggang ngayon, ikaw ang aking minamahal
Minamahal, oh-oh



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link