Liwanag

Kahit hinaharap ko'y 'di malinaw
Langit ang tanging tanaw
Kahit hindi na sumikat ang araw
Liwanag ko'y Ikaw

Walang hiling sa mga tala o guhit ng palad
Ang huhugis sa buhay ko
Handog Mo ay higit pa sa kapalaran
Ito ay kinabukasang lubos pa sa inaasam ko

Anuman ang mangyari, Salita Mo'y magsisilbing
Liwanag ko, liwanag ko
Madilim man ang bukas, sigurado'ng aking landas
Sa liwanag Mo, liwanag Mo

Subukin man ang pananalig ko
Kaluluwa'y tiwasay sa Iyo
'Di man batid ang mga plano Mo
Alam kong mabuti'ng mga ito

Walang hiling sa mga tala o guhit ng palad
Ang huhugis sa buhay ko
Handog Mo ay higit pa sa kapalaran
Ito ay kinabukasang lubos pa sa inaasam ko

Anuman ang mangyari, Salita Mo'y magsisilbing
Liwanag ko, liwanag ko
Madilim man ang bukas, sigurado'ng aking landas
Sa liwanag Mo, liwanag Mo

Anuman ang mangyari, Salita Mo'y magsisilbing
Liwanag ko, liwanag ko
Madilim man ang bukas, sigurado'ng aking landas
Sa liwanag Mo, liwanag Mo

Anuman ang mangyari, Salita Mo'y magsisilbing
Liwanag ko, liwanag ko
Madilim man ang bukas, sigurado'ng aking landas
Sa liwanag Mo, liwanag Mo



Credits
Writer(s): Jc Ronato
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link