Sabihin Mo

Tila nawala saya sayong mga mata
Para bang kay layo kahit pa kasama ka
Bawat salita ay may bagyong dala
Ramdam ang lamig, Ika'y nagbago na
Ano ba'ng nangyari at bakit nag-iba

'Di man sabihin napapansin ko
Tinatangay ng hangin ang pag-ibig mo

Sana ay sabihin mo
Ako pa ba'y nasa puso mo
Nadaramang lumalayo
Pag-ibig ay naglalaho
Kumapit sana't wag sumuko

Bumibitaw pag hawak ko ang 'yong kamay
Pagmamahal mo bakit ngayon ay kay tamlay
May nagawa bang mali
Wala na bang pagtingin
Sabihin mo sa akin
Kung anong kailangang gawin
Oras na nga ba para palayain ka

'Di man sabihin napapansin ko
Tinatangay ng hangin ang pag-ibig mo

Sana ay sabihin mo
Ako pa ba'y nasa puso mo
Nadaramang lumalayo
Pag-ibig ay naglalaho
Kumapit sana't wag sumuko

Ohhh
Ohhh

Kaya pa ba natin
Ako'y sagutin
Nararamdaman kong lumalayo kana sakin
Ngunit kung may pagasa
Subukan pa sana
Paano na tayo kung mawawala ka

Sana ay sabihin mo
Ako pa ba'y nasa puso mo
Nadaramang lumalayo
Pag-ibig ay naglalaho
Kumapit sana't wag sumuko

Kumapit sana't wag sumuko



Credits
Writer(s): Stephanie Razado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link