Gunita

Totoo pala ang sabi nila
Na kapag nawala na siya
Ikaw nama'y makukulong
Sa mga pagsisisi at mga gunita

Pa'no ba babalik ang aking ngiti?
Nais ko nang kumawala

Kailangan ko ba talagang kalimutan?
Baka pwedeng akin na lang ang alaala?
Ngunit pa'no maghihilom ang puso ko
Kung sa bawat panaginip ko'y ikaw pa rin?

Totoo pala ang sabi nila
Na kapag umalis na siya
Saka mo lang madarama
Na ang mga pangako niyo'y wala nang bisa

Pa'no ba babalik ang aking ngiti?
Nais ko nang kumawala

Kailangan ko ba talagang kalimutan?
Baka pwedeng akin na lang ang alaala?
Ngunit pa'no maghihilom ang puso ko
Kung sa bawat panaginip ko'y ikaw pa rin?
Ikaw pa rin

Totoo pala ang sabi nila
Na ang lahat ng kwento
Kahit atin ay natatapos din



Credits
Writer(s): Amiel Sol
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link