Hintay

Lagi na lang
Pinagmamasdan ang ihip ng hangin
Naghihintay na may mangyayaring kakaiba

Lagi na lang
Pinag-uusapan ng mga kaibigan
Ang paghahanap at pagkahanap ng pag-ibig

Sana'y di mapapagod ang puso ko sa kakahintay
Sana'y dingggin ng tadhana ang matagal nang hinihiling
At sana'y di matatagalan ng sobra sobra
Ako'y nandito naghihintay lang
Handa na sa 'yong pagdating

Lagi na lang pinipilit ang sariling makatulog
Umaasang kinabukasan malimutan ang nararamdaman

Sana'y di mapapagod ang puso ko sa kakahintay
Sana'y dingggin ng tadhana ang matagal nang hinihiling
At sana'y di matatagalan ng sobra sobra
Ako'y nandito naghihintay lang
Handa na sa 'yong pagdating

Maghihintay na lang sa taong sasalubong ng pusong nagsusumamong
(Balang araw, ika'y darating din)

Sana'y di mapapagod ang puso ko sa kakahintay
Sana'y dingggin ng tadhana ang matagal nang hinihiling
At sana'y di matatagalan ng sobra sobra
Ako'y nandito naghihintay lang
Handa na sa 'yong pagdating



Credits
Writer(s): Lance Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link