Nandito Lang Ako

Nasa dilim ka na naman
Kasama mo ang kalungkutan
Hindi tiyak ang pupuntahan

Walang makitang aalalay
Walang liwanag sa dilim
Na sa iyo ay gagabay

Buksan mo lang ang iyong mga mata
Hindi mo ba nakikita?

Tumingala
Punasan ang luha
Huwag mong isiping ika'y nag-iisa
Nandito lang ako
Handang tumulong sa iyo
Oh, sa iyo

Mga problema'y dapat harapin
Hanapan mo ng sagot ang mga suliranin

Hindi sinusukuan o tinatakbuhan
Ang mga hamon sa buhay,
Buong tapang mong labanan

Buksan mo lang ang iyong mga mata
Hindi mo ba nakikita?

Tumingala
Punasan ang luha
Huwag mong isiping ika'y nag-iisa
Nandito lang ako
Handang tumulong sa iyo
Oh, sa iyo

Tumingala
Punasan ang luha
Huwag mong isiping ika'y nag-iisa
Nandito lang ako
Handang tumulong sa iyo, woah

Tumingala
Punasan ang luha
Huwag mong isiping ika'y nag-iisa
Nandito lang ako
Handang tumulong sa iyo
Oh, sa iyo

Nandito lang ako para sa iyo



Credits
Writer(s): Ted Kirk Israel De Gala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link