Miloves (Otw Sayo)

'Di ko kaya na malimot ang pag-ibig mo
May puwang pa ba 'ko diyan sa puso mo?
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

Sana'y huwag kang mainip, ako'y asahan mo
'Di ko na sasayangin ang tiwala mo
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

On the way na ako, papunta na sa 'yo
Hintayin mo ako, nagpa-gas lang ako
Medyo traffic pa pero okay lang, sinta
Basta ba makita ka, hintayin mo lang ako, malapit na

Madalas na nami-miss ko, kulit mo't pagkabibo
Isang kindat mo lang tapos patay na 'pag ngiti mo
Iba ka sa lahat kahit na kanino
Parang anghel, ako 'yung bandido
Laging mabait na parang Santino
Tandaan mo na lagi lang nandito

Kasi ika'y mamahalin pa
Higit pa sa dati, ngayo'y tuloy-tuloy na
Handa nang sundan ka kahit saan pumunta
Gusto ko lang makasama ka hanggang ako'y tumanda

'Di ko kaya na malimot ang pag-ibig mo
May puwang pa ba 'ko diyan sa puso mo?
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

Sana'y huwag kang mainip, ako'y asahan mo
'Di ko na sasayangin ang tiwala mo
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

Kung sakali na palarin at muli mong kausapin
Babalik 'yung dating atin na ibinubulong lang sa hangin
Gusto ko, ikaw ay akin, umaga, gabi at tanghali
Lagi kang patatawanin, ako na din ang magsasaing

Handa kong ibigay ang password ko, ng FB, IG, at cell ko
Pwede na 'ko paalila o ma-under mo
Kung meron mang bebel ay ika-cancel ko
Gusto ko lang bumawi sa lahat na mali
Sana lang pwede pa at hindi pa huli
Sabik na ako makayakap at makita muli
Sana pwede makasama kita sa pag-uwi, yeah

Kasi ika'y mamahalin pa
Higit pa sa dati, ngayo'y tuloy-tuloy na
Handa nang sundan ka kahit saan pumunta
Gusto ko lang makasama ka hanggang ako'y tumanda

'Di ko kaya na malimot ang pag-ibig mo
May puwang pa ba 'ko diyan sa puso mo?
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

Sana'y huwag kang mainip, ako'y asahan mo
'Di ko na sasayangin ang tiwala mo
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

On the way na ako, papunta na sa 'yo
Hintayin mo ako, nagpa-gas lang ako
On the way na ako
Papunta na sa 'yo

'Di ko kaya na malimot ang pag-ibig mo
May puwang pa ba 'ko diyan sa puso mo?
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh

Sana'y huwag kang mainip, ako'y asahan mo
'Di ko na sasayangin ang tiwala mo
Tanggapin mo lang ako, whoa
Ako'y babalik sa 'yo, whoa-oh



Credits
Writer(s): Yamid Sr Grueso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link