Liliwanag

Hmmm...
Bughaw na kulay ng langit
Malawak na puting mga ulap
Minsan mabigat, minsan magaan
May kwentong nais ipahayag
Bagyong pinagmasdan

'Pag 'di na kaya ang bigat
Bigla na lang uulan
Papatak sa'yong mukha
Para bang umiiyak
May lungkot na nais na mailabas

Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan
May liwanag at dilim, maraming katanungan

Kahit na may kadiliman, titila rin ang ulan
At sa'yong pagtingala,
Mapupuno ka ng galak

Hmm hmm hmm hmmmm

Sa pagliwanag ng langit
Magpapakita ang araw
Sasabay ang mga ibon
Iihip ang hangin
Ng mga awiting magbibigay ng pag-asa

Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan
May liwanag at dilim, maraming katanungan
Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan
Kahit na may kadiliman, titila rin ang ulan

Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan
May liwanag at dilim, maraming katanungan
Ang buhay nati'y parang napakagandang kalangitan
Kahit na may kadiliman,
'Wag mong kalilimutan
Na manalig sa Kanya
Liliwanag ang 'yong langit
Liliwanag ang iyong buhay

Credits
Writer(s): Trisha Denise Campaner, Roque Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link