Malayo

Malayo na ang daan, subalit natandaan
Ikaw ang dahilan kung bat ako nabigo

Malayo na ang daan, subalit natandaan
Wala ng ibang paraan kaylangan ng lumayo

Masyado ng malayo ang tinatahak ko na daan
Subalit detalyado at sa utak ko'y natandaan
Pag sasama natin na may saya at puro pag papasakit
Di lang mag ka intindihan sa iba ka na lumalapit
Di man na galit pagkat pinilit kong intindihin
Na baka busy ka kaya bihirang pansinin
Mga tawag ko at text sa dala mong telepono
Bakit ako yung naging next na talagang binobo mo
Ginawa mokong tanga na mag damag na mag hintay
Sa mga response mo na tipid at walang kwenta mong reply
Inisip ko kung dapat ka pa ba talaga na sulatan
Kung ang relasyon naman natin ay hindi mo iningatan
Nasapawan kase ang utak mo ng ilusyon
Sa mga taong kayang punan materyal mong ekspektasyon
Buti maaga palang ugali mo'y akin ng nalaman
Kung mahal mokong talaga hindi ka titingin sa yaman.

Malayo na ang daan, subalit natandaan
Ikaw ang dahilan kung bat ako nabigo
Malayo na ang daan, subalit natandaan
Wala ng ibang paraan kaylangan ng lumayo

Ya masyado ng malayo ang daan ko papalayo
Nagsisi kung bakit pa ba tayo pinag tagpo
Ng tadhana na lintik talaga kung mag biro
Wala ng ibang paraan kundi ang magpaka lango
Para matakasan hinanakit na sakin ay humahabol
Di ko lubos maisip kung bakit naging mas masahol
Ka pa sa iba dyan di ko maintindihan
Bakit ka naging bulag para sa kagamitan
Ikaw ang dahilan
Kung bat nabasag aking puso
Masyadong nawili sa mga mamahalin na luho
Bagamat ay ayos lang lahat ay naintindihan
Wala na rin namang dahilan
Upang ikaw ay balikan
Masaya na ako ngayon kung anong meron o wala
Kung may dadating na bago yayakapin ko bigla
At lubos kong iibigin higit sa pag mamahal sayo
Sa apoy na nilaro natin ang panalo ay ako



Credits
Writer(s): Royal David Dahlen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link