Hindi Na Nga (feat. KIKX)

Sinasabi sa sarili "Kakayanin ba?"
Kung hahayaan mo na lamang palayain siya?
Tandang-tanda ko pa kung pa'no mawalan ng ligaya (woah-woah)
Mga gabing 'di ka na katabi
At sa paggising 'di kita kapiling

Akala ko'y 'di ko na kakayanin pa
'Wag kang mag-alala, okay lang na malayo ka

Kung dati ay mahal kita (ngayo'y malinaw na hindi na nga)
Kung dati hinahanap pa ('di ba malinaw na hindi na nga) (oh-woah)
Kaya ko pala nang wala ka, kaya't 'wag mag-alala, malaya ka na (oh)
Kung dati ay mahal kita
(Ngayo'y malinaw na hindi na nga, hindi na nga)
(Oh-woah-oh)
Hindi na nga, hindi na nga

Nagbabago pala ang pag-ibig 'pag 'di binigay sa iyo pabalik
'Di mapipilit damdamin at masakit man ito'y tatanggapin
Tuluy-tuloy lang, pipiliting bumangon
Pipiliting umahon (oh) kahit nag-iisa
At 'di na rin nagtagal, namanhid sa pagluha
At tuluyan nang naglaho lungkot ng 'yong pagkawala

Akala ko'y 'di ko na kakayanin pa
'Wag kang mag-alala, okay lang na malayo ka

Kung dati ay mahal kita (ngayo'y malinaw na hindi na nga)
Kung dati hinahanap pa ('di ba malinaw na hindi na nga) (oh-woah)
Kaya ko pala nang wala ka, kaya't 'wag mag-alala, malaya ka na (oh)
Kung dati ay mahal kita
(Ngayo'y malinaw na hindi na nga, hindi na nga)
(Oh-woah-oh)
Hindi na nga, hindi na nga

'Di na tulad ng dati ('di na, 'di na tulad ng dati)
O, 'di na, 'di na maaari ('di na, 'di na maaari)
Huwag kang mag-alala, okay lang na malayo ka

Kung dati ay mahal kita (ngayo'y malinaw na hindi na nga)
Kung dati hinahanap ka ('di ba malinaw na hindi na nga) (oh-woah)
Kaya ko pala nang wala ka
Kaya't 'wag mag-alala, malaya ka na (malaya ka na)
Kung dati ay mahal kita
(Ngayo'y malinaw na hindi na nga, hindi na nga)
(Oh-woah-oh)
Hindi na nga (hindi na nga), hindi na nga (hindi na nga)

Hinding-hindi na nga (hindi na nga)
(Oh-woah)
Hindi na nga



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link