Tatak Pinoy

Alab ng pusong magiting
'Di maaaring itanggi
Piniring, ginapos, inalipin
Sa huli siya pa rin ang nagwagi

Mula sa kanluran kung s'an lulubog ang araw
Huhubog ng umagang sa silangan matatanaw

Kahit saan mang hangganan
Tatak ng Pilipino laging nand'yan
Sa kahapon at kinabukasan
Anumang bahagi ng kasaysayan
Tatak ng P-I-N-O-Y
Pilipino ay nand'yan

Alay ng pusong magiliw
Salubungin kang nakangiti
Ang kahit na sinong lumapit
Kayo'y aming mga kapatid

Mula sa hilaga hanggang timog ay uukit
Ng pag-asang liliwanag, kumikinang sa gitna ng dilim

Kahit saan mang hangganan
Tatak ng Pilipino laging nand'yan
Sa kahapon at kinabukasan
Anumang bahagi ng kasaysayan
Tatak ng P-I-N-O-Y
Pilipino ay

Ibunyag, ipagsigawan
Ipagdiwang, tayo'y umawit ng

Oh, oh, oh-oh, oh
Oh, oh, oh-oh, oh
Oh, oh, oh-oh, oh-oh

Oh, oh, oh-oh, oh (oh-oh)
Oh, oh, oh-oh, oh
Oh, oh, oh-oh, oh-oh

Kahit saan mang hangganan
Tatak ng Pilipino laging nand'yan
Sa kahapon at kinabukasan
Anumang bahagi ng kasaysayan
Tatak ng P-I-N-O-Y
Pilipino ay

Kahit saan mang hangganan
Tatak ng Pilipino laging nand'yan (tatak ng Pilipino)
Sa kahapon at kinabukasan (kinabukasan)
Anumang bahagi ng kasaysayan (bahagi ng kasaysayan)
Tatak ng P-I-N-O-Y
Pilipino ay

P-I-N-O-Y, Pilipino ay
P-I-N-O-Y, Pilipino ay nand'yan
Oh, oh, oh-oh, oh
Oh, oh, oh-oh, oh (oh-oh)
Oh, oh, oh-oh, oh (oh-oh-oh)



Credits
Writer(s): Pauline Lauron
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link