Kahit Anong Mangyari

Heto na naman, malayo ang tingin
Nangangarap na ika'y makatabi
Parang kahapon lang
Nu'ng nangako kang hindi ka aalis

Pipikit na lang, baka sakaling bumalik
Naaalala pa ang 'yong huling halik
Parang kahapon lang
Nu'ng nangako kang hindi ka bibitiw

Umasa sa sinabi mo
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari
Ika'y akin at ako'y sa 'yo
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari

Ngayo'y nag-iisa, bumubulong sa mga bituin
Nagbabakasakaling mga bakit ay dinggin
Tila ang langit ay walang maisagot sa akin

Umasa sa sinabi mo
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari
Ika'y akin at ako'y sa 'yo
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari

Umasa sa sinabi mo
Ika'y akin at ako'y sa 'yo

Ngunit ngayon, wala ka na
At kailangan tanggapin
Ang puso mo'y 'di na akin
Oh, bakit ba, ba't umasa pa?

Ba't umasa pa sa sinabi mo?
Kahit ano'ng mangyari
Ngayon, ika'y kanya at s'ya'y sa 'yo
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari

Kahit ano'ng mangyari (umasa sa)
Kahit ano'ng mangyari (sinabi mo)
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari

Kahit ano'ng mangyari (ooh)
Kahit ano'ng mangyari (ooh)
Kahit ano'ng mangyari
Kahit ano'ng mangyari



Credits
Writer(s): Marion Aunor, Janine Tenoso, Civ Fontanilla
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link