ABAKADA

Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang

Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada

Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

Marami na ang syang nahasa
Mahuhusay na mga bata
Sumusulat ng talata
Bihira na yata ang medyo namumutla

Nakahanda na patunayan
Mga nakikipag sabayan
Ang mapikon ay kawawa
Pagkat mayroong nais lang ay ang mangutya

Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang

Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada

Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

Nag simula ako non ganito palang bumanat
Ng mga sinulat kong pilit na kinakalat

Tuloy tuloy parin kahit palaging inaalat
Mag pakilala pangalan ko ay mailamat

Naking ng nakinig sa mga awitin ng buto buto kahit pa inuubo
Sinikap ko talagang makabisado ito

Huwag mo na muna kong tanungin
Kung magkano noon ang kinita ko
Di naman don ako nakatingin kahit nakakasikaw ang nasa paligid nyo
Nakalimutan nyong

Pinuno kong maleta
Kahit pa nakakadena
Taga hugas taga linis
Taga punas ng banyot kobeta

Walisan mong bangketa
Teka meron bang problema
Talagang ganon sa haba ng panahon ay Pinatalas kong lanseta

Puwede ba naman na di mo balikan
ang bagay na pinili mo kahit nakapikit
Pa?
Napag iwanan kasi walang laman ang pitaka na pinakamaliit ang kita

Nag abang ako sa pila
Labanan na patapos di pa
Kapag ginawa mo na ang lahat

Ibinigay mo ng tapat Ay napapalingon ang mga nakakalingat



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link